1 pulis, 2 suspek patay sa buy bust sa Antipolo Read more: https://radyo.inquirer.net/176013/1-pulis-2-suspek-patay-sa-buy-bust-sa-antipolo#ixzz5rNjcuozG

By Len Montaño April 24, 2019 – 03:09 AM

Nasawi ang isang pulis at dalawang drug suspects matapos mauwi sa shootout ang operasyon ng pulisya sa Antipolo City Martes ng gabi.

Kinilala ang namatay na pulis na si Patrolman Ariel Dapyawan na binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Habang ang patay na mga suspek ay nakilala lamang sa mga alyas na Echay at Laon.

Samantala, stable na ang kundisyon ng nasugatang pulis na si Police Staff Sgt. Joseph Monjardin na tinamaan ng bala sa tiyan.

Narekober sa crime scene ang isang shotgun at kalibre .38 na ginamit ng dalawang suspek.

Source: Inquirer

Advertisements

13 KILOS OF MARIJUANA SEIZED IN MANILA BUY-BUST

13 KILOS OF MARIJUANA SEIZED IN MANILA BUY-BUST

PRESS RELEASE NO. 211/18

DATE: JUNE 07, 2018

Thirteen kilos of dried marijuana leaves were seized by anti-narcotics operatives of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) during a buy-bust operation in Manila on June 6, 2018.

PDEA Director General Aaron N. Aquino said that the illegal hemp was confiscated from suspects identified as Arden Kennet Ledesma, 26 years old; and his two male minor-cohorts aged 16 and 17 years old, all residents of Castillejos, Zambales.

At around 4:00 in the morning, combined elements of PDEA Regional Office-National Capital Region Manila District Office (PDEA RO-NCR) under the direct supervision of Director Ismael Fajardo Jr., PDEA Regional Office I (PDEA ROI) under Director Bryan Babang, and Police Station 4 Manila Police District (MPD) conducted an entrapment operation that led to the arrest of Ledesma and company along Dimasalang Road, Sampaloc, Manila.

Confiscated during the operation were 12 bundles of dried marijuana leaves, weighing more or less 13.1 kilograms worth P157,200, three mobile phones, one orange-colored Toyota Vios with conduction sticker VK-4351 and several documents.

Cases for violation of Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, will be filed in court against the suspects.

The arrested minors will be turned-over to the Department of Social Welfare and Development Office in Manila for proper documentation and guidance. 

Source: pdea.gov.ph

NO. 2 TARGET-LISTED DRUG PERSONALITY BUSTED IN DAVAO DEL NORTE

PRESS RELEASE NO. 210/18

DATE: JUNE 06, 2018

The Number 2 target-listed drug personality in Davao del Norte was arrested during a buy-bust operation in Davao del Norte on June 2, 2018.

Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron N. Aquino identified the suspect as juvy Ann Taangaro, alias Yan-Yan, 38 years old, and No. 2 target-listed drug personality, who was arrested by the joint elements of PDEA ROXI under the supervision of Director Antonio E. Rivera, Police Regional Office 11-Regional Drug Enforcement Unit (PRO 11-RDEU), Davao del Norte Police Provincial Office-Provincial Intelligence Branch (DDNPPO-PIB) and local police in Purok 1-B, Bacuring, Barangay Madaum, Tagum City, Davao del Norte.   

Confiscated from the suspect were two packs containing suspected shabu, weighing more or less 30 grams with an estimated value of Php420,000.00, buy-bust money, and the boodle money.

The suspects will be charged for violation of Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Source: pdea.gov.ph

P20M shabu nasamsam sa Chinese, 3 Pinoy

By Orlan Linde/Dolly Cabreza

Aabot sa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalagang P20,200,000.00 ang nakumpiska sa isang Chinese national at tatlong kasamang Pilipino sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City nitong Biyernes, Mayo 17.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron N. Aquino ang mga nadakip na sina Wu Lianlai, Chinese national, at kasamang sina Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr., at Christopher dela Cruz.

Ayon kay Aquino, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib ng puwersa ng PDEA sa 09-B Cadena de Amor St., Bahayang Pag-Asa, Brgy. Maysan, Valenzuela City, dakong alas-12:30 nang tanghali nitong Biyernes at nadakip ang mga suspek.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang tatlong pakete ng heat-sealed transparent plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa 3-kilo na nagkakahalagang P20,200,000.00 at buy-bust money.
Ang mga nadakip ay nakapiit ngayon sa PDEA headquarters habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Source Abante Tonite)

Photo Source Abante Tonite

3 college students, timbog sa pagbebenta ng ‘damo’ Joanna Tacason, ABS-CBN News Posted at Apr 16 2019 12:11 PM | Updated as of Apr 16 2019 02:13 PM

URDANETA CITY, Pangasinan – Tatlong estudyante sa kolehiyo ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod noong Biyernes.

Arestado ang 20-anyos na maritime student nang bentahan nito ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa lungsod.

Nang siyasatin ang kaniyang backpack, natagpuan doon ang isang bundle ng dried marijuana at tatlo pang ziplock na puno ng pinatuyong dahon din ng ‘damo’.

Agad namang nagkasa ng follow-up operation laban sa kaniyang supplier na mga estudyante rin.

Dito na naaresto ang mag-nobyo na 23-anyos na mga estudyante rin nang bentahan ng 8 ziplock ng marijuana ang poseur buyer.

“Through social media, luckily kumagat sa pain, gamit ng kotse sa loob nagkaroon ng transaction,” paliwanag ni Police Lt. Col. John Guiagu, hepe ng Urdaneta City Police.

Nakumpiska rin mula sa compartment ng ginamit na kotse ng mga suspek ang mga naka-repack na marijuana na itinago sa loob ng shoe box.

Tinatayang aabot sa 50,000 ang halaga ng ilegal na droga na nakuha mula sa kanila.

Napagalaman din ng pulisya na sa Baguio City kinukuha ng mga suspek ang kanilang suplay ng marijuana na ibinebenta naman sa kapwa estudyante.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Makikipag-ugnayan naman ang pulisya sa kanilang mga eskuwelahan para masugpo ang paglaganap ng ilegal na droga.Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Share

Read More: illegal drugs  buy-bust  marijuana  Urdaneta City  Pangasinan  Tagalog news  Regional news  

Source Abs Cbn News

P1.7 milyong ‘shabu’ nakuha ng PDEA sa buy-bust sa Pasig Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 08:30 AM | Updated as of Feb 03 2019 07:22 MANILA – Sakay ng motorsiklo ang 24-anyos na si alyas Lem nang harangin at arestuhin ng mga awtoridad matapos siya bilhan ng shabu sa buy-bust operation sa Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City Sabado ng gabi.

Tatlong plastic bag na may 250 gramo o P1.7 milyong halaga ng shabu ang narekober sa kaniya, ayon sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Dumepensa si “Lem” na tagadala o runner lang siya ng shabu, pero itinuturing siya ng PDEA na isang “malaking” tulak ng droga batay sa nalaman nila mula sa isang impormante. 

Ayon kay Agent Leverette Lopez ng PDEA NCR Eastern District, si “Lem” mismo ang naghahatid ng mga benta niya sa sakop niyang lugar sa silangang bahagi ng Metro Manila na kasama ang Pasig, pati ang mga katabing bayan sa Rizal. 

“Makikita mo naman galaw ng baguhan saka luma. Ang tingin ko sa kanya antigo. Tiwala siya e. Iaabot lang niya, samantala yung ibang baguhan, nenerbiyosin lang,” sabi ni Lopez. 

“Parang nag aabot lang ng kendi,” dagdag pa niya. 

Sa transaksiyon, ipinaalam lang ng nagpanggap na buyer kay “Lem” na nasa lugar na siya ng kitaan at dumating ang suspek sakay ng motor para kunin ang bayad. 

“Sanay sila sa kaliwaan system, yung abutan. Ganun ka-simple, o-order ka, magde-deliver sila,” sabi ni Lopez. 

Pero giniit ni “Lem” na noong Disyembre lang siya nagsimula sa pagdadala ng droga at pinatitigil na rin siya rito ng asawang buntis sa pangalawa niyang anak. 

Sabi niya, wala siyang trabaho kaya nakatutulong sa pamilya ang P3, 000 na kita niya kada transaksyon. 

“Tatawagin ako ng kapitbahay. May magsasabi tapos iuutos sa akin. Kukunin lang sa kotse ang shabu,” sabi niya. 

Dagdag niya, hindi na siya bumababa ng motorsiklo dahil mahirap umanong paandarin ito ulit. 

Aalamin naman ng PDEA kung anong grupo kabilang si” Lem” na mahaharap sa kasong pagbebenta ng droga. 

Nasa P1 milyong halaga ng ‘kush’ mula Amerika, nasamsam sa Pasig ABS-CBN News Posted at Oct 09 2018 05:11 AM

MAYNILA – Nasamsam ng mga pulis ang nasa P1 milyong halaga ng high-grade marijuana sa buy-bust operation sa Barangay Caniogan, Pasig City Lunes ng gabi.


Photo by Roberto Valdivia 

Naaresto rin ang 2 lalaki, kabilang ang target ng operasyon na 23 anyos lang.

Isinilid ang high-grade marijuana o kush sa mga kahon ng cookies sa isang balikbayan box.

Ayon kay Supt. Igmedio Bernaldez ng Manila Police District (MPD) Station 5, supplier ang mga suspek sa kanilang nahuli nitong linggo.

“Nakaraang araw may nahuli sa buy-bust. Sila ang kinukuhanan,” aniya.

Ayon sa pulis, ino-order ang kush mula pa sa Amerika.

Nakakalusot umano ito sa mga pantalan dahil inilalagay sa iba’t ibang klase ng kahon.

Kuwento ng isang suspek, 3 taon na siyang sangkot sa pagtutulak.

“Three years na po ito. Nung una kasi maliit lang,” aniya.

Umaabot umano sa P50,000 ang kinikita nila kada buwan.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News